Xander Ford Mamimigay ng 500 Pesos Para sa Mga Nagsusugal Sa Gitna Ng Paninigil niya Kay Christian Merck Grey

Miyerkules, Mayo 17, 2023

/ by Lovely


 Muling umaani pambabatikos ang social media personality na si Xander Ford mula sa mga netizens matapos nitong ibinalandara sa kanyang post ang limpak-limpak na salapi.


Nauna rito, umani ng pambabatikos si Xander Ford nang singilin niya si Christian Merck Grey sa ipinangako umano nitong pakimkim sa anak nitong si Baby Xeres.


“MAMIMIGAY AKO NG 500 GKASH SA MAPIPILI KONG MANANALO AT MAG REREGESTER. PARA MANALO,” panghihikayat ni Xander Ford.


Hindi naman ito nagustuhan ng mga netizens dahil buong akala umano nila ay naghihirap si Xander Ford at maraming babayarang utang.


May ilan pang hindi nagustuhan ang pa-popromote at panghihikayat ni Xander sa mga taong magsugal.


"Magbibigay kunwari pero Ang totoo Naghihirap Rin Pala. Pwede ba. Mag sikap besh wag paawa effect. Kasi Yung mga tao. Instead namaawa pagtatawanan ka nalang sa pinaggagawa mo.. makontento kung Anong kaya. Kung Hindi ide Hindi."


"nakakatuwa talaga tong tao nato na kahit my kapansanan sa pag-iisip nakukuha nya pa talaga mag pasaya ng tao"


"Naubus daw saving ng futa tapus namimigay ng gcashhh aba my saltik ka malala boy"


"himas heras sana lods mapanuod mo yung nasa tv hinahanap na kayo mga influencer na nagiindorse ng sugal"


Matatandaan na may paiyak-iyak pa sa kanyang live si Xander Ford dahil walang-wala na umano sila ngayon at marami pang utang dahil sa magarbo nilang pagpapabinyag kay Baby Xeres.


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot si Christian Merck Grey sa pagpapaawa at pa-iyak-iyak na paniningil ni Xander Ford.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo