Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario, Ipinakilala Ang Bigating Godparents Ni Baby Meteor

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng mag-fiancee na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario, kung kailan magaganap ang binyag ng kanilang anak na si Baby Meteor. Ipinakilala na rin nila ang mga bigating godparents ng kanilang anak.


Ayon sa pagbabagi nila magaganap ang binyag kay Baby Meteor sa darating na May 23, 2023. Kung saan ang magiing godparents ni Baby Meteor ay ilan sa mga sikat na artista at vloggers.


Kinuha nilang ninong at ninang sina Toni Gonzaga, Viy Cortez, Cong TV, Wilbert Tolentino, Toni Fowler, Vince Flores, Yumi Garcia, Sachzna Laparan, Doc Yappy, Eruption Tai, Cong. Geraldine Roman, at China Roces.


Kamakailan, lamang nasangkot sa isang isyu si Antonette Gail dahil sa pagpapagawa niya sa kanyang ilong. Nauna naman niyang nilinaw na nasangkot siya sa isang aksidente kaya kailangan niyang magpa-opera.


Gayunpaman, marami ang hindi naniniwalang na aksidente si Antonette dahil nais lamang umano nitong magpaganda.


Hindi naman nanahimik si Antonette at ipinunto sa mga bashers na siya ang may hawak ng desisyon kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang katawan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo