Vice Ganda Very Proud Sa Kanyang 'Bebe' Na Si Ion Perez

Lunes, Mayo 22, 2023

/ by Lovely


 Very proud ang Phenomenal Box-Office Star at Unkabogable Star na si Vice Ganda sa bagong achievement na natanggap ng kanyang asawang si Ion Perez.


Si Ion Perez ay kasama rin niya bilang co-host ng Kapamilya noontime show na It's Showtime.


Ang TV host-hunk model kasi ang itinanghal na “Most Valuable Player” sa pagtatapos ng 2023 Star Magic All-Star Games na ginanap sa SM Mall of Asia Arena nitong, May 21, 2023.


Panalo rin ang 'It’s Showtime' basketball team na kinabibilangan ni Ion Perez sa kalabang team ng 'Star Magic Dream' sa score na 80-77.


Si Ion Perez ay matagumpay na nakakuha 24 points para sa kanilang team, habang naka-14 points naman ang si Johannes Rissler na kilala ring 'Bida Man' na naging dahilan kaya nagawa nilang makahabol sa Dream Team sa huling quarter ng laro.


Agad namang nag-flex ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa achievement ni Ion Perez at sa buong It's Showtime basketball team.


“I'm so proud of you Babe ko!!!! My MVP baby!!!!” agad na tweet ni Vice Ganda mataos ang laro ni Ion Perez.


Samantala, kabilang naman sa Mythical Five sina Daniel Padilla na nakakuha ng 24 points para sa Dream team, naka-14 puntos si Lance Carr, 11 points naman si Gerald Anderson, Ion Perez at Johannes Rissler.


Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati mula sa mga netizens para sa It's Showtime host at para sa buong It's Showtime basketball team.


"Always the cutest wohooo super dasurv ionnn congrats!!!"


"VERYYY VERYYYYY PROUD!!! SO CUTEE!!!"


"Congrats Team Showtime and to your MVP po.....🎉🎉🎉🥳🥳🥳 ang ganda nong game....sobrang intense..."


"Congrats VICEION..hardworking couple..DESERVE. remained to be humble but delivers..dats ION."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo