Toni Fowler, Bibigyan Ng Iphone Si Moira Dela Torre Upang Makita Nito Ang Kanyang Halaga

Miyerkules, Mayo 17, 2023

/ by Lovely


Maraming mga netizens ngayon ang naghahangad na makatanggap ng bonggang pa Iphone14 ni Mommy Toni sa mga gumagawa ng magagandang memes gamit ang lyrics ng kanyang kantang MPL.


Tila mauunahan pa ngayon ng OPM Singer at Hugot Queen na si Moira Dela Torre ang mga netizens na mabigyan ng cellphone.


Matatandaan na naging malaking usapin sa social media ang pagbabahagi ng estranged husband ni Moira ng larawan kung saan may nakayakap ritong babae.


Marami ang nagtag kay Moira at tinatanong siya kung nagkabalikan na ba silang dalawa ni Jayson.


Sinagot naman ito ni Moira sa pamamagitan ng paggamit sa lyrics ng kontrobersyal song ni Toni Fowler.


“‘Ako’y tahimik lang sa umpisa…’ eme. di ako yon.”


Napansin naman ito ng isang netizen at sinabing baka maunahan pa umano siya ni Moira na makakuha ng cellphone mula kay Toni Fowler.


“Baka magka iPhone si Ate Moira, mauunahan pa ata ako hahaha.”


"Ubos na daw po ata iphone 14 ni mama oni,” sagot naman ni Moira.


Agad naman itong nakarating sa social media influencer na si Toni Fowler at kaagad na nag-reply sa palitan ng comment nila.


“Meron pa dito tatlo camera neto para makita mo ang tunay mong halaga,” sagot ni Toni Fowler.


Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkomento si Toni Fowler sa mga post ni Moira Dela Torre.


“May lemon ako gusto mo tequila?” naunang komento ni Toni Fowler sa post ni Moira.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo