Sunshine Dizon Muli Na Namang Lilipat Sa ABS-CBN, Kapag Natapos Na Ang Mga Lihim Ni Urduja!

Martes, Mayo 2, 2023

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon ang chika mula sa iba't-ibang entertainment news sites ang usaping muli na namang magne-network switch ang actress na si Sunshine Dizon.


Ayon pa sa nasabing haka-haka, hinihintay lamang ni Sunshine Dizon na matapos ang ginagawa niyang teleserye sa GMA7 na Mga Lihim Ni Urduja bago tatalon pabalik sa ABS-CBN.


May nakahanda na rin umano ang gagawing project ng aktres sa pagbabalik niya sa Kapamilya Network.


Sinimulan ni Sunshine Dizon ang kanyang showbiz career sa GMA-7. Sa loob ng maraming taon, iba’t ibang proyekto ang ginawa niya bilang Kapuso. Kadalasan siya ang nagiging lead role sa mga teleserye ng Kapuso network.


Isa sa hindi malilimutang teleserye ni Sunshine Dizon sa Kapuso network ay ang pagganap niya sa papel ni Gemma sa teleseryeng Ika-Anim na Utos.


Gayunpaman, noong 2021, opisyal siyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN. Kung saan bumida siya sa seryeng Marry Me, Marry You kasama sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino na nagmula rin sa Kapuso network.



Matapos na mabakante ng ilang buwan nang mag-wakas ang teleseryeng Marry Me, Marry You, nagpasya si Sunshine Cruz na bumalik sa GMA7.


Kung saan nabigyan kaagad siya ng project at nakasama sa pinag-uusapang teleseryeng 'Mga Lihim Ni Urduja'.


Subalit sa pagtatapos ng teleseryeng ito, muling napag-usapan ang paglipat na naman ni Sunshine Dizon sa ibang network.


Napabalitang magiging bahagi  ng upcoming Kapamilya series si Sunshine Dizon na Pira-Pirasong Paraiso.


Kung saan makakasama niya sina Alexa Ilacad, KD Estrada, Charlie Dizon, Joseph Marco, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, at Elisse Joson.


Samantala, nauna nang ipinahayag ni Sunshine Dizon na isa siya freelance artist. May kalayaan umano siyang gumawa ng mga proyekto sa iba't-ibang networks.


Hiling din niya sa mga fans ang pang-unawa at hindi ang panghuhusga ng mga ito sa palipat-lipat niya ng networks.


Walang exclusive contract si Sunshine Dizon sa GMA, ibig sabihin ay puwede siyang magtrabaho sa kahit anong network. 


May mga post na umano tungkol sa “balik Kapamilya” ng aktres ngunit wala pang kumpirmasyon mula sa aktres at maging sa Kapamilya network.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo