Sugar Mercado Sinagot na ang mga Speculations Sa Totoong Relasyon Nila Ni Kuya Wil!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Lovely


 Sinagot ng TV host na si Sugar Mercado ang mga netizens na nagtatanong sa, kung totoong may relasyon ba sila ng kapawa TV host at dating aktor si Willie Revillame.


Si Sugar Mercado ay unang nakilala nang maging co-host siya sa TV show na Eat Bulaga. Ilang taon din siyang natigil sa pagiging host.


Samantala, muling nakabalik sa telebisyon si Sugar nang maging isa siyang co-host sa show ni Willie Revillame na Wowowin.


Agad naman napansing ng ilang mga viewers at mga netizens na parang kakaiba ang closeness ng dalawa. Kaya naman lumabas ang balitang may relasyon sila.


Subalit, sa isang press conference para sa panibagong proyekto ni Sugar nilinaw niyang walang silang relasyon ni Kuya Wil.


Nagtataka rin umano si Sugar Mercado kung bakit siya nalilink kay Willie Revillame gayung marami na rin namang itong natulungan bukod sa kanya.


Ipinahayag din niyang ganoon talaga si Kuya Wil at hindi na kailangan pang lagyan ng malisya ang mga ginagawa nito at closeness nilang dalawa.


Isa pa sa mga nilinaw ni Sugar Mercado ay ang bali-balitang may anak na umano sila ni Willie Revillame.


Ayon kay Sugar, ni hindi umano sila nagkaroon ng relasyon kaya wala rin silang anak.


Gayunpaman, hiling pa rin ni Sugar ang mahabang buhay para kay Willie Revillame. Malaki rin umano ang kanyang pasasalamat rito sa lahat ng ibinigay nitong tulong sa kanya.


Samantala, hindi naglalabas ng anumang pahayag si Kuya Wil hinggil sa isyung ito.


“Ako, kahit anong mangyari sa future or what, ipagdadasal ko siya lagi, araw-araw, na humaba pa yung buhay niya dahil sobrang ang dami pa niyang matutulungan na taong salat sa buhay tsaka gusto ng pag-asa.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo