Alex Calleja, Inamin Na Naghirap Ang Kanyang Pamilya Dahil Sa Pagsusuga!

Miyerkules, Mayo 3, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng host na si Alex Calleja na malaki ang naging epekto ng kanyang pagsusugal sa kanyang pamilya.


Sa naganap na press conference ng ‘Face 2 Face,’ ipinahayag ni Alex Calleja na nakaka-relate siya sa mga taong nakararanas ng mga problema dahil sa pagsusugal, na una na rin umano niyang naranasan.


Ayon sa kay Alex Calleja, na-hook ang kanyang ina sa paglalaro ng Bingo na dahilan ng pagkalugi nila at pagkakautang.


Nakakapagsinungaling din umano siya sa mga taong naniningil ng utang ng kanyang ina.


“Yung family namin nahilig sa sugal. Naghirap kami dahil sa sugal. Ipinanganak akong may sugal na sa pamilya ko which is ginawa kong comedy. Dito nakakita ako ng mga issue ng sugal, napabayaan ang pamilya, so medyo naka-relate ako sa may mga ganitong pinagdaanan.”


“Kasi nag-Bingo ang nanay ko tapos napabayaan kami. Ayun, nu’ng nagkautang, siyempre, kami pinaparaharap sa naniningil,” saad ni Alex.


Ayon pa kay Alex sinasabi niya sa mga naniningil na wala roon ang kanyang ina kahit pa nakikita naman ang tsinelas nito.


Isiniwalat din niyang may mga buwan na hindi sila nakakabayad ng renta sa bahay dahil ginagamit ng kanyang ina ang pera para sa pagsusugal.


“Ang nanay ko talaga ang naba-barangay kasi nangungupahan kami. Totoo ito, ayoko sana ikuwento. Ma, pasensya na po ha. Ninety-two years old na rin naman siya, eh,” pagbabahagi pa ni Alex.


“Nangungupahan kami sa apartment. Ang nagpapa-barangay sa kanya yung may-ari pag hindi kami nakakabayad. Halimbawa, seven months na, oo, totoo. ’Yung nanay ko pa yung galit.”


Samantala, nauna nang inamin ni Alex Calleja na minsan rin siyang nalulong sa sugal. Nagka-casino umano siya at natatalo ng malaking halaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo