Sikat Na Singer Na Si Gigi De Lana Galit Na Galit Sa Mga Nanghuhusga Sa Kanya!

Martes, Mayo 2, 2023

/ by Jerome

 



Inalmahan ng sikat na singer actress na si Gigi De Lana ang mga netizens na pilit na nanghuhusga sa kanya, kaugnay sa pagkakaroon niya ng sakit sa lalamunan na kung tawagin ay nodules.


Ang vocal cord nodules (tinukoy bilang "vocal fold" nodules ng mga manggagamot) ay mga paglaki na nabubuo sa vocal cords.


Ang mga bukol na ito ay benign (noncancerous) at katulad ng mga kalyo na maaaring mabuo sa mga kamay. Nakakaapekto ang mga nodulo sa mga babae at lalaki sa anumang edad, at karaniwang sanhi ng mga isyu sa boses sa parehong mga bata at matatanda.



Ayon nga sa singer actress na nagkasakit daw siya dahil na rin sa kanyang kakakayod, para sa kanyang ina na maysakit na cancer.


Matapos kasi sa kanyang naging pag-aanunsyo na magpapahinga muna siya ng dalawang buwan sa pagkanta ay mayroon namang mga netizens na tila binabash ang singer.


Na nagsasabing nagkasakit daw umano si Gigi dahil na rin daw umano ito sa paraan ng  kanyang pagkanta na pasigaw. 


Kaya naman naglabas nga pahayag ang singer sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.


Saad niya, "Yung may pinagdadaanan ka sa boses mo. Dami pa nag assume at nag judge kung bakit ako nag ka sakit sa throat. dahil puro sigaw daw ako? Haha kaawa kayo, mga walang alam,  basta maka comment. Malamang kakayod ako para sa nanay ko na may cancer. Ako lang anak niya eh. Sino kakayod?"


Si Mary Gidget Orfano dela Llana (ipinanganak noong Setyembre 24, 1995), na kilala bilang Gigi De Lana, ay isang Pilipino na mang-aawit, artista, mananayaw, at modelo.


Sumikat siya nang sumabak siya sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime.


Siya ay kasalukuyang nasa ilalim ng pamamahala ng Rise Artists Studio at Star Magic. 


Ginawa ni De Lana ang kanyang debut sa pelikula sa Four Sisters Before the Wedding (2020) bilang Love Mae.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo