Sachzna Laparan handang Idemanda Si Veybillyn Gerons Sa Paninirang Puri Sa Kanya

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Lovely


 Tila naghahanda na ngayon ang vlogger at social media influencer na Sachzna Laparan sa kasong isasampa niya sa kinakasama ni Jomar Lovena na si Veybillyn Gerons.


Matatandaan na nagkasagutan kamakailan sa social media sina Sachzna Laparan at Veybillyn Gerons matapos umanong nakarating sa huli na nagkasama sa Siargao sina Sachzna at kanyang ka live-in partner.


Sina Sachzna Laparan at Jomar Lovena ay dating magkapartner sa kanilang mga ginagawang contents.


Pinaratangan ni Veybillyn si Sachzna na nilalandi at kabit umano ng kanyang kinakasama.


 "Humingi lang naman ako ng respeto sa inyo pero nireplayan ako ng "okay ka lang" kung kaibigan moko sana inisip mo mararamdaman ko pero rereplayan moko ng okay ka lang?


"Asan yung validation sa feelings ko??? Naikwento ko pa sayo yung post partrum depression ko kung gaano ako kalala madepress at saktan sarili ko.


"Unang araw ni Jomar sa siargao sinabihan ko na si jomar na sabihan kayo na iwas muna sa issue na magkasama kayong dalawa na wag na mag dikit please at sinabi naman nya kay tita yun.


"Kasi HINDI KAMI OKAY alam mo namang hindi okay bilang babae ka rin sana validated feelings ko PERO NIRESPETO NYO BA YON?


"Gusto ko lang naman sana ng respeto kasi hindi ako okay...sa totoo lang masakit din minsan makabasa ng "bakit magkasama yung dalawa? ay may something yung dalawa nako magduda ka na."


Hindi naman ito pinalampas ni Sachzna at ipinuntong wala siyang ginawang masama. Dagdag pa ni Sachzna, trabaho at para sa charity ang kanyang ipinunta roon at hindi para sundan-sundan si Jomar.


Samantala, humingi na umano ng paumanhin si Jomar kay Sachzna dahil sa pagkakadamay nito sa misunderstanding nilang ng kanyang partner.


"Syempre kwento niya yan. perfect siya diyan.


"Pero sabi mo Jomar 'hindi na mauulit.'


"Magpakalalaki ka na lang na harapin mo yan. Again, nagpapasensya ulit ako. Para SAINYO.


Ipinahayag pa ni Sachzna na rektang kaso ang gusto niya sa paniniarang puri sa kanya ni Veybillyn.


"Rektang kaso na lang daw. Need ko sundin nanay ko eh, lalo na kung matino nanay ko."



@makjen Sachzna Laparan and Veybillyn Gorens🍿🍿🍿 #issue2023 #SachznaLaparan #Veybillyn ♬ CHISMIS - GeloBreezy

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo