Ruru Madrid Harap-Harapang Sinabing First Crush Si Yassi Pressman, Bianca Umali Nagreact!

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Lovely


 Sa naganap na presscon ng upcoming movie na Video City, tahasang inamin ng Kapuso actor na si Ruru Madrid na si Yassi Pressman ang kanyang first crush.


Ayon kay Ruru Madrid, nagsimula ang lahat ng magkasama sila ni Yassi sa reality TV series na “Protégé: The Battle for the Big Artista Break” noong taong 2012.


“Actually, hindi ko po siya niligawan pero siya po ‘yung pinakaunang naging crush ko sa GMA,” pag-amin ni Ruru.


“Ngayon niya lang nalaman ‘yan, kaya salamat po. At least alam na niya ngayon,” dagdag pa ng aktor.


Wala namang dapat ipag-alala ang girlfriend niya ngayong si Bianca Umali dahil nilinaw naman ng aktor na halos lahat ng kanyang nakikitang artista noon ay nagugustuhan niya kagaya na lamang kina, Barbie Forteza, Bea Binene, Lexi Fernandez at marami pang iba.


“Nu’ng mga panahon na ‘yun, lahat ng makita kong artista, nagiging crush ko. Lahat, like si Barbie, Bea, Lexi Fernandez, so lahat talaga."


“Si Yassi ‘yung una kong nakatrabaho kaya siya ‘yung pinakauna kong naging crush.”


Si José Ezekiel Misa Madrid, na mas kilala bilang Ruru Madrid, ay isang Filipino actor, singer, model, host at vlogger. Unang nakilala si Ruru Madrid sa kanyang pagsali Protégé.


Nakilala siya sa kanyang katangi-tanging pagganap bilang Ybarro / Ybrahim sa 2016 version ng Encantadia. Bumida rin siya sa isang hit Kapuso teleserye na Lolong noong nagdaang taon.


Matatandaan na nito lamang 2022, tuluyang inamin nina Ruru Madrid at Bianca Umali ang kanilang romantic relationship matapos ang ilang taong pagiging pribado nila sa totoong estado ng kanilang buhay pag-ibig.


Samantala, naunang ipinahayag ni Bianca Umali na going strong ang kanilang relasyon ng aktor.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo