Ruru Madrid at Yassi Pressman Magsasama Sa Isang Movie na Pinamagatang Video City

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Kumpirmado na ang pagsasama nina Kapuso actor Ruru Madrid at Kapamilya actress Yassi Pressman sa iisang pelikula.


Nitong huwebes sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda, kinumpirma mismo ni Tito Boy Abunda ang project na pagsasamahan nina Ruru Madrid at Yassi Pressman.


Ang pagsasamahang pelikula ng dalawa ay ang collaboration film ng GMA  Pictures at Viva Films na Video City. Kung saan magiging love interest ang dalawa.


Ang fantasy-romcom, ay insired mula sa sikat video rental shop noong 90s ,Video City. 


Sinusundan ng pelikula ang kuwento ni Ruru Madrid, na magbabalik sa nakaraan noong umiral pa ang mga tindahan ng Video City, at doon niya makikilala si Yassi Pressman.


"Excited si Ruru dahil nakasama na niya before si Yassi, and sa katotohanan, ang una niyang dancing partner sa "Protege" is Yassi," pahayag ni Tito Boy Abunda.


Bagama't nagkasama na noon sina Ruru Madrid at Yassi Pressman, ito naman ang kauna-unahang pelikulang pagbibidahan nilang dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo