Rk Bagatsing Inaatake Ng Insecurity Sa Relasyon Nila Ni Jane Oineza

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Lovely


 Aminado ang Kapamilya actor na si RK Bagatsing na nakakaramdam din siya ng insecurities sa pagsasama at relasyon nila ni Jane Oineza.


Ayon pa kay RK Bagatsing, hindi mawawala sa isang relasyon at maging sa tao na makaramdam rin ng insecurities lalo pa't nasa iisang career path lamang sila ng nobyang si Jane Oineza.


“Of course you always want to please your partner, hindi ba? And not most of the time alam mo na ito bang ginagawa ko eh, kumokonekta sa kanya o nagpapasaya sa kanya.


“So may mga days na you would want to be in your toes, keeps you on your toes na I have to be better, I have to better in this aspect,” pag-amin ni RK sa guesting niya sa isang episode ng Magandang Buhay.


Minsan ay naiisip din umano niya na baka ay hindi niya deserve at parang hindi na siya sapat para kay Jane Oineza.


“So parang sinasabi ko minsan na insecurity ko na maybe I am not enough sometimes, kaya I need to be better. I need to catch up. ‘Yun ‘yung insecurity," pag-amin pa niya.


“‘Yun ‘yung takot ko…enough ba ako? ‘Yun ‘yung insecurity ko na kailangan kong patunayan na I am always the right guy for you,” ani pa ni RK Bagatsing.


Samantala, nagbigay naman kaagad ng reaksyon si Jane Oineza sa isiniwalat na insecurities ng kanyang partner na si RK Bagatsing.


“Kung may ganu’n siya, ako naman ‘yung I tell him everyday na you are enough or I am happy I am with you, you make me feel loved, ‘yung mga ganu’n.”


Nagbigay rin sila ng mensahe para sa isa't-isa.


“Ang maipapangako ko sa iyo ay lagi lang akong nasa tabi mo supporting you. Maraming sumusuporta sa iyo, you have so many fans na sobrang happy sa tinatahak ng career mo, but don’t get twisted."


“Nasa likod lang din ako shouting parang every cheer for you, kasi alam ko na matagal mong hinintay yan, matagal mong ipinagdasal. So, I am always rooting for you and loving you no matter what,” mensahe ni RK Bagatsing sa kanyang nobya.


Mensahe naman ni Jane Oineza para kay RK, “I am just really proud of everything you are achieving right now. Kahit na nabu-busy tayo, ibig sabihin lang nu’n ay ang ganda rin ng takbo ng career mo."


“Nakakatuwa na pareho kaming busy. Sana tuloy-tuloy ‘yon. Sana hindi ka magsawa sa akin at ‘yung mga araw na hindi natin nase-celebrate ang promise ko ay babawi ako all the time.”


Nito lamang May 3, 2023, ipinagdiriwang ng dalawa ang kanyang 2nd year anniversary bilang magboyfriend-girlfriend.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo