Rico Blanco Di Inakala Magagawa Ito Dahil Kay Maris Racal!...

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Jerome

 


Very supportive boyfriend ang tawag ngayon ng mga netizens sa singer at boyfriend ni Maris Raca na si Rico Blanco.


Nito lang isang araw ng ibinahagi ng actress na si Maris Racal sa kanyang social media account ang naging concert date nila ng nobyo na si Rico Blanco.


Nanood kasi sila ng concert ng popular korean girl group na Red Velvet sa MOA  Arena.


Bagama't hindi talaga mahilig manood ng korean girl group concert itong si Rico Blanco ay full support parin siya sa kanyang kasintahang si Maris Racal na siyang fan talaga ng mga Korean star.


Kitang-kita naman sa ibinahaging video ng actress na sobrang nag-enjoy talaga sila sa concert, at makikita din si Rico Blanco na nakikisabay nalang sa trip ng jowa.


Caption naman ni Maris sa kanyang post, "i had so much fun last night 🥲Red Velvet, mahal ko kayo! 🥹"


Cation naman ng actress sa kanyang Instagram story, para sa boy friend, "Thanks for comming with me my bummy, PS hindi kita ininvite para lang may magpicture sa akin promise!"


Napa sana all naman ang ilang mga netizens at hiling ng mga ito na magkaroon din sila ng jowa na kasing supportive ng singer na si Rico Blanco.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo