Paglipat Ni Matteo Guidicelli Sa GMA7, Kasado Na

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Lovely


 Kasado na at kinumpirma na mismo ng King of Talk na si Boy Abunda ang nalalapit na pagpirma ng kontrata ni Matteo Guidicelli sa GMA Network.


Ayon kay Boy Abunda sa latest episode ng kanyang programang Fast Talk With Boy Abunda, nakatakda na ang signing of contract ni Matteo with GMA Public Affairs sa darating na May 11, 2023.


Dagdag pa ni Tito Boy Abunda na malalaman na  ang buong detalye sa palipat ni Matteo Guidicelli sa GMA Public Affairs sa darating na presscon.


Nauna nang lumabas ang mga usap-usapan noon tungkol sa paglipat ni Matteo Guidicelli sa GMA7 at ang pagiging host nito sa isang sikat na TV show ng nasabing network.


Naudlot lamang ito dahil sa pagkapasok niya sa Tropang LOL bilang pansamantalang kapalit ni Billy Crawford na naging abala sa sinalihang contest sa ibang bansa.


Matagal na hindi napanood si Billy sa Tropang LOL dahil nagpunta siya sa France para maging contestant ng Danse avec les stars, ang French version ng Dancing with the Stars.


Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang planong paglipat ni Matteo sa Kapuso Network dahil nakikita sa social media ang mga larawan ng pakikipagpulong niya at ni Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment sa mga executive ng GMA Network.


Ang Viva Artists Agency ang namamahala sa entertainment career ni Matteo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo