Pokwang, Isiniwalat Na Mga Kapwa Babae Ang Nambabatikos sa Kanya

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Lovely


 Ikinalulungkot ng komedyanteng si Pokwang na karamihan sa kanyang mga bashers ay kapwa niya babae.


Sa naging guesting niya sa programa ni Karen Davila, ipinahayag na ni Pokwang ang kanyang saloobin sa kanyang natatanggap na pambabatikos sa social media matapos ang kanyang paglalabas ng mga baho ng dating kinakasama na si Lee O'Brian.


Ayon sa mga bashers ni Pokwang, nararapat na siyang mag-move on at pabayaan na lamang ng tuluyan si Lee. Ipinunto pa ng mga ito na sa kanyang mga banat kay Lee lalo siyang nagmumukhang desperada at bitter sa dating kinakasama.


May mga basher pa na nagsasabing tila sinasadya na umano ni Pokwang ang paninira kay Lee O'Brian para hindi na ito magkakaroon pa ng panibagong jowa.


"Wala kasi kayo sa sitwasyon ko. Madaling sabihin 'mag-move on ka na, bitter ka' kasi hindi kayo ang nakakaranas ng pain. At ipagdasal niyo na wag mangyari sa inyo, sa mga kamag-anak niyo, sa best friend ninyo... Sana 'wag nilang pagdaanan ang pinagdadaaan ko," saad ni Pokwang.


Hiling pa ng komedyante na sana'y intindihin siya ng mga kabaro niya dahil hindi pa naghihilom ang sugat na iniwan sa kanya ni Lee O'Brian.


"Kasi walang sugat na malalim na takpan mo lang ng bandage, okay na. No! ang sugat naghi-heal yan ng unti-unti. Hayaan niyo lang muna akong sumigaw kasi mahapdi. Sumapi muna kayo sa akin nang maramdaman niyo."


Inamin din ni Pokwang na hindi nakatutulong sa kanyang maka-move on ang natatanggap na pambabash ng mga kapwa niya babae na inaasahan niya na unang makakaintindi sa kanyang mga pinagdadaanan.


"Ang masakit pa Miss Karen ah, kapwa ko babae yung mga nanggaganyan sa akin, mga nanay. Nanay kayo, babae kayo di niyo ako nagi-gets. Mas tanggap ko pa kung lalaki ang namba-bash sa akin e."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo