Paolo Contis, Sumagot Na! Masaya Daw Sa Engagament Ni Lj Reyes!...

Miyerkules, Mayo 31, 2023

/ by Jerome

 


Paolo Contis sumagot na sa mga tanong sa kanya kung ano ang kanyang magiging reaksyon tungkol sa engagement ngayon ng kanyang dating asawa na si Lj Reyes.


Masaya daw ang actor na si Paolo Contis para sa kanyang ex-partner na si Lj Reyes.


Ito ay matapos ibahagi ng actress na si Lj Reyes sa kanyang social media account na siya ay na engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.


Sa mga larawan na ibinahagi ni Lj Reyes ay makikitang sa kanyang mukha ang bakas ng sobrang kaligayahan lalo na ng lumuhod sa kanyang harapan si Phlip at ipakita ang dala nitong singsing at dahandahang isinuot sa actress.


Kasabay naman ng mga larawan at video na ipinost ni Lj ang kanyang Caption na kinuha sa isang Bible verse.


Caption niya, "For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope."

‭‭Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NLT‬‬


Dahil nga dito ay tinanong si Paolo kung anu ang kanyang mga reaksyon o masasabi tungkol ngayon sa bagong pag-ibig ni Lj Reyes.


Sagot naman ni Paolo, "Of course I'm very happy for her, she deserve to be happy." Ito ang saboi ni Paolo kay Nelson Canlas sa pamamagitan ng isang text message.


Matatandaang napagdesisyunan noon ni LJ Reyes na manirahan na lamang sa Amerika kasunod ng hiwalayan nila ni Paolo Contis.


Sina Paolo Contis at LJ Reyes ay nagsama sa loob ng anim na taon. Biniyayaan din sila ng isang anak na pinangalanan nilang Summer Ayana noong 2018.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo