Maine Mendoza Nagbigay Ng Madamdaming Mensahe Patungkol Sa Pamamaalam Ng TVJ

Miyerkules, Mayo 31, 2023

/ by Lovely

Nagbahagi ng isang heartfelt message ang dating host ng Eat Bulaga na si Maine Mendoza, kasunod ng pagsisiwalat ng TVJ sa kanilang pagresign sa TAPE Inc.


Ibinahagi din ni Maine ang ilang mga larawang kuha mula sa studio ng Eat Bulaga.


Kalakip ang caption, “Hanggang sa muli, dabarkads.”


“Maraming salamat, @eatbulaga1979.”


Naging emosyunal naman ang ilang mga tagahanga ni Maine Mendoza sa tila pamamaalam ng aktres sa longest running show na Eat Bulaga.


Matatandaan na unang sumikat si Maine Mendoza sa Eat Bulaga, bilang si Yaya Dub kung saan nabuo ang phenominal love team nila ng aktor na si Alden Richards.


“Yakap sez.”


“This is heartbreaking.”


“Hugs maine.”


Ang Eat Bulaga ay ang longest-running noontime program sa Philippine television. Unang umire sa telebisyon ang Eat Bulaga noong July 30, 1979. 


Ang mga unang naging hosts nito ay sina Vic Sotto, Joey de Leon, and Tito Sotto.


Samantala, nagbigay na ng pahayag ang GMA Network hinggil sa pagresign ng TVJ sa Tape Inc.


“We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot. Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues.


"Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo