Paolo Contis, Isiniwalat Ang Dahilan Kung Bakit Nahulog Ang Kanyang Loob Kay Yen Santos

Miyerkules, Mayo 31, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi na ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang dahilan kung bakit nainlove siya sa aktres na si Yen Santos.


Matatandaang kinumpirma ni Paolo Contis ang relasyon nila ng aktres na si Yen Santos noong January sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda.


Gayunpaman, nilinaw din ng aktor na hindi si Yen Santos ang dahilan ng breakup nila ni LJ Reyes, ang kanyang dating kinakasama.


Kamakailan lamang, ipinahayag ng 39-year-old actor na may balak pa rin magpakasal someday. Kailangan daw niyang ayusin muna ang buhay niya at ang past relationship niya.


Matatandaang ikinasal na noon si Paolo Contis kay Lian Paz at hanggang ngayon ay hindi pa rin annulled ang kanilang kasal.


Samantala, sa kamakailang panayam ni Paolo Contis, naitanong sa kanya kung ano-ano ang mga qualities ni Yen na naging daan kung bakit nahulog ang kanyang loob.


“Ako, sobrang simpleng bagay lang yan, when the whole thing started, the whole crucifixion started, there was a time or there was every opportunity, she had every opportunity to tell me or to leave, but she stayed,” pag-amin ni Paolo Contis.


Dagdag pa ng aktor, “Ang laki-laking bagay kasi nung mga time na ‘yon, pinag-uusapan namin ‘yon–na mahirap, yes, nagkaroon pa nga ng time na nag-ano siya sa social media, hiatus. Pero she did everything she can to not get affected as long as, kumbaga, nakakapag-usap kami and okay kami.” 


Aminado din si Paolo na noong nagkahiwalay sila ni LJ Reyes, ang worst time ng kanyang buhay kung saan iniwan umano siya ng lahat ng inakala niyang mananatili sa kanyang buhay.


Sa mga panahong iyon, si Yen Santos lamang ang nanatili sa kanya.


“Ako, hindi mo ba mamahalin ‘yon? During that time that some of my friends, some of the people who actually believed me were leaving, someone stayed,” pagpupunto ni Paolo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo