Anjo Yllana Willing Pumalit Sa Tvj Bilang Isa Sa Mga Host Ng Eat Bulaga!...

Miyerkules, Mayo 31, 2023

/ by Jerome


Actor Comedian at dating Tv host ng Eat Bulaga na si Anjo Yllana willing daw bumalik sa Eat Bulaga at pumalit sa TVJ ngayong tuloyan ng umalis ang trio na sina Tito, Vic and Joey bilang isa sa mga host, ito ang mga nabanggit ni Anjo sa isang panayam. 


Ang mga pahayag na ito ni Anjo ay ang siyang naging sagot niya sa tanong ng isang reporter, na kung sakali man na siya ay alokin na bumalik sa nasabing programa at kunin muli ng mga Jalosjos bilang isang host na papalit sa TVJ.


Dito nga ay hhindi na nagpaligoy-ligoy pa si Anjo at deritsahan ngang sinagot ang itinanong sa kanya ng isang reporter.


Ayon nga kay Anjo na ayos lang naman daw ito sa kanya at walang personalan, Dahil ang mahalaga lang daw sa kanya ay trabaho lang, na ngayon ay wala siya. 


Nabanggit niya pa na masmaganda siguro na pagsamasamahin lang ang mga dating host ng Eat Bulaga.


Subalit habang sinasabi ito ni Anjo ay talagang mapapansin mo na very sports lang talaga si Anjo at trabaho lamang at walang personalan.


Ngunit tila alam din ni Anjo na hahantong sa ganito ang programa, dahil sa tuloyan na ngang nagpaalam ang trio na sina Tito, Vic AT joey sa TAPE incorporated ngayon araw May 31, 2023.


Mula bukas ay opisyal na ngang hindi mapapanood ang TVJ sa programa dahil inanunsyo na nga nila na sila ay magpapaalam na sa TAPE incorporated.


Ngunit ang hindi lang daw malinaw sa ngayon ay kung anu ang mangyayari sa Eat Bulaga, dahil dalawang taon pa ang kuntrata nito sa GMA7.


Ang ibigsabihin lang nito ay hindi pala nila ito madadala sa kanilang pag-alis at sa lilipatan nilang bagong channel.


Kung matatandaan ay may mga kumalat na mga balitang sila ay lilipat na sa TV5 at sila ay magkakaroon na doon ng kanilang bagong programa.


Ang tila malinaw lang na espekulasyon ngayon ay kung may kontrata pa ang Eat Bulaga sa GMA7 AT sila ay tuloyan nang nagpaalam ay ang ibigsabihin lang nito ay tuloyan na nga nilang isinuko ang naturang programa.


Kung matatandaan ay nabanggit kamakailan ng TVJ na dadalhin nila sa kanilang pag-alis ang Eat Bulaga dahil sa kamila ang Eat Bulaga at tanging ang ganap ng TAPE incorporated ay ang pagproproduce lamang nito.


Samantala marami namang mga netizens lalo na ang mga tagasubaybay ng Eat Bulaga ang nalongkot sa pag-alis ng TVJ.


At palaisipan din sa mga ito na kung anu nalang ang mangyayari sa Eat Bulaga, dahil napabalita na din noon na kung umalis man ang Trio ay sasama din sa kanilang pag-alis ang lahat ng host ng naturang programa.






 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo