Pagpapakilay Ni Chiz Escudero Inokray Ng Mga Netizens!

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga entertainment sites ang napapansin ng pagbabago ng ilang mga netizens kay Sen. Chiz Escudero.


Ayon sa ilang mga netizens, tila nahahawa na umano ngayon si Sen. Chiz Escudero sa pagiging fashionista ng kanyang asawa na si Heart Evangelista.


Unang pinuri si Sen. Chiz Escudero dahil tila nag-aayos na ito ayon sa nauusong fashion sa panahon ngayon. Subalit, natatawa at napupuno ngayon ng pang-ookray si Chiz matapos ang kanyang pagpapakilay.


Ibinahagi mismo ng kanyang misis na si Heart Evangelista sa kanyang Instagrap account ang nasabing larawan ni Chiz habang kumakain ng ice cream.


Kapansin-pansin sa nasabing larawan ang maitim at makapal na kilay ni Chiz na pinasadya pang ipalagay.


"I’m all for the plakadong kilay!"


“Ang yong kilay mapagmataas at laging namimintas!” @Mary Thresetine.


“Ang hirap siguro maging asawa si heart kasi pati kilay dapat perfect,” @Online Dating and LDR Tips.


Samantala, marami ang naghinalang nagpa microblade ng kilay si Sen. Chiz.


Sa kabilang banda, marami ang nangamba ng kumalat ang isyu noong nakaraang taon na naghiwalay na ang celebrity couple. Marami sa kanilang mga tagahanga ang nalungkot lalo na't makikita sa mga si Heart ang lungkot.


Buti na lamang nang sumapit ang bagong taon ay nagkasundo na sila at muling nagsasama ng masaya.


Kinasal sina Heart Evangelista noong February 2015, matapos ang kanilang dalawang taon na magkarelasyon bilang girlfriend-boyfriend.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo