Moira Dela Torre Mahal Pa Rin Si Jason Marvin Hernandez!...

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Jerome


 Mula ng magtrending ang ginawang bagong music video ni Jason Hernandez sa social media, ay nag post naman ang Manager ni Moira na makikitang naglalaro lang ng Bowling si Moira.


Matatandaang mula ng inilabas ni Jason ang kanyang bagong music video ay maraming mga kaanak at kaibigan ni Moira ang nagreact dito.


Mayroon pa ngang nagsasabi na ginagamit lang daw umano ni Jason ang kanyang dating asawang si Moira, uapang mapag-usapan lang daw ang kanyang music video.


Pero mayroon din namang mga netizens na ipinagtanggol si Jason at sinabing baka naman daw totoong mahal pa ni Jason ang kanyang dating asawang si Moira.


Matatandaan ding nagviral din ang pag-alma ng kapatid ni Moira sa mga lyrics ng bagong music video ni Jason pati na din ang mga video clips na ginamit sa video.


Sabi kasi ng kapatid ni Moira na never naman daw na nag-effort si Jason na makipag ayos sa kanyang ate Moira, mula ng magkahiwalay ang dalawa.


Ayon nga sa reaction ng kapatid ni Moira, "Nakakatawa yung buong song, specially yung part na, naghihintay parin hanggang ngayon sa ikaw at ako."


"Kasi sa buong year never ka namang nag-effort sa ate ko?? Never ka din nag-effort sa family namin before and after kayo naghiwalay. Like?"


Dagdag pa ng kapatid ni Moira, "Naiirita lang ako kasi ang layo talaga ng mga pinagsasabi mo sa lyrics ng kanta mo. Why do you need to manipulate people into thinking that you still love and missed her?? Like WTF, ang layo talaga."


Pagpapatuloy niya pa, "Tapos ginagamit pa yung video clips from the wedding, concerts, and the Tagpuan music video, without my ate's permission?


Agad naman itong umani ng samu't saring komento at reaction mula sa mga netizens.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo