Michelle Dee, Nagladlad Bilang Bisexual, Bumwelta Sa Kanyang Mga Bashers

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin na ng Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Marquez Dee at isiniwalat sa lahat ang kanyang katauhan.


Sa isang panayam kamakailan lamang hayagang inamin ni Michelle Dee ang umano'y matagal na niyang kinamulatan tungkol sa kanyang pagkatao.


“I definitely identify myself as bisexual. I’ve identified with that for as long as I can remember. I’m attracted to all forms of beauty, all shapes and sizes,” pahayag ni Michelle Dee sa panayam ng MEGA Entertainment.


Dagdag pa ni Michelle, hindi niya kailangang magladlad sa kanyang pamilya dahil lumaki siyang naappreciate ang mga pogi at maganda.


“I grew up in an environment where we’d appreciate pogi, maganda."


“When I get into a relationship, the first thing I will tell that person is ‘Okay, let’s get this out of the way.’ And then you can decide if you want to date me,’” pagbabahagi pa ni Michelle.


Inamin rin ni Michelle na isa sa dahilan kung bakit ngayon ay tuluyan na siyang lumadlad dahil sa pagkalat ng mga malisyosong larawan niya noon. Kung saan makikita siyang boyish upang ipakitang hindi talaga niya deserve ang korona ng Miss Universe Philippines 2023.


“I feel that it’s so important when somebody tries to knock you down and use your past against you. We all have to realize that we’ve come such a long way to just let our past define us. Again, how old was I? That was 2014, and it’s 2023,” pagpupunto ni Michelle.


Sa huli, nagbigay ng payo ang beauty queen sa mga katulad niyang tila ninakawan ng pagkakataong ibahagi ang kanilang kuwento dahil sa mga panghuhusga. Yakapin at pahalagahan ang sarili upang magkaroon ng confidence sa pagkontrol ng sariling buhay.


Samantala, hindi naman bago sa Miss Universe ang pagkakaroon ng bisexual candidate dahil noong 2021, umamin din si Beatrice Gomez na isa siyang myembro ng LGBTQIA+ Community.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo