Matteo Guidicelli May Rebelasyon Sa Relasyon Nila Ng Mga Magulang Ni Sarah Geronimo

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Lovely


 Nagsalita na ang actor-host na si Mateo Guidcelli tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon ng kanyang asawang si Sarah Geronimo sa mga magulang nito na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Sarah Geronimo at mga magulang na sina Mommy Divine matapos ang pakikipagrelasyon ni Sarah kay Matteo Guidicelli.


Labis itong tinutulan ng ina ni Sarah Geronimo, lalo pa itong nagalit nang magpasecret marriage ang dalawa na kalaunan ay nalaman rin nito.


Umabot pa sa puntong nagwala ang ina sa labas mismo ng wedding ni Sarah dahil sa kanyang galit sa ginawa ng anak.


Mula noon ay hindi na kinausap ng mga magulang si Sarah Geronimo kahit pa nagree-reach out naman sa kanila ang singer.


Samantala, sa naganap na concert ni Sarah Geronimo nitong May 12, 2023 sa Smart Araneta Coliseum. hindi nito nalimutan na pasalamatan ang kanyang mga magulang na gumabay sa kanya at isa sa mga naging dahilan na naging matagumpay siya sa larangan.


Gayunpaman, tila hindi pa rin napapatawad ng mga magulang si Sarah Geronimp dahil hindi man lamang nagbigay ng reaksyon ang mga ito sa tribute at pasasalamat ni Sarah.


Samantala, sa guesting ni Matteo Guidicelli sa Fast Talk With Boy Abunda, isiniwalat na niya ang buong katotohanan sa relasyon nila.


Hanggang ngayon ay umaasa pa rin umano sila ni Sarah na maging maayos ang relasyon nila at ng pamilya nito. Hindi rin sila nawawalan ng pag-asa na balang araw ay mapatawad din sila ni Mommy Divine.


Dagdag pa niya na ngayon ay civil umano ang pakikitungo ng mga ito sa kanila ng kanyang asawa.


“We’re civil I would like to believe Tito Boy and I pray every day for strength, wisdom, and humility na hopefully one day maging okay ang lahat for Sarah’s peace of mind.”


Sa huli ipinahayag ni Matteo Guidicelli ang kahalagan ng pagmamahal at pagrerespeto sa mga magulang.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo