Aiko Melendez Nilinaw Na Hindi Malubha Ang Kanyang Kalagayan

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Lovely


 Nilinaw na ng actress-politician na si Aiko Melendes na hindi naman naging malubha ang kanyang karamdaman matapos magpositibo sa Covid-19.


Kamakailan lamang ay inamin ni Aiko Melendez na nagpositibo siya sa Covid-19 ilang araw mula ng nakabalik sila sa bansa ng kanyang nobyo mula sa kanilang pagbabakasyon sa Europe.


Isa sa itinuturong dahilan ng pagkakasakit ni Aiko ay ang labis na pagkapagod na siyang nagpapahina sa kanyang immune system.


Agad naman naglabasan ang mga bali-balitang lumalala na umano ngayon ang kalagayan ng aktres. Subalit, agaran itong pinabulaanan ni Aiko at nilinaw na kailangan lamang niyang magpahinga.


Sa katunayan ay naka-home isolation lamang siya ngayon na magpapatunay na hindi malala ang kanyang kalagayan.


“Ako po’y lumalaban pa rin sa Covid… pero wag nyo naman ho palabasin na parang mamamatay ako o parang naaksidente na ako… kasi sa mga pictures na nandyan po na parang it looked like na I’m really dying,” paghayag ni Aiko.


“Wag naman pong ganun, kung gusto nyo pong kumita at my expense wag naman po kayong gumawa ng kuwento para ikaalarma ng mga taong totoong concerned po sa akin,” dagdag pa ng aktres.


Siniguro pang muli ni Aiko na kakayanin niya ang sakit at walang dapat ipag-alala ang mga taong nagmamahal sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo