Marco Gumabao Kinaawaan Ng Ilang Netizens Sa Miss Universe PH!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang social media platforms ang actor na si Marco Gumabao sa paghohost niya sa naganap na Miss Universe Philippines National Costume Competition nitong May 4, sa Leyte Normal College, Tacloban City.


Pre-show host si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados habang si Marco ang main host.


Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens ang labis na pamamawis ni Marco Gumabao habang naghohost sa competition, kaya napapatanong ang ilang netizens kung mainit ba ang venue o walang aircon.


“Why naman pinagpapawisan si Marco Gumabao while hosting the National Costume Competition ng Miss Universe Philippines 2023? Wala ba AC ang venue? Buti na lang, gwapo si Marco.”


“Grabe pawis ni Marco Gumabao. Init na init. #MUPH.”


"Lapot na si Marco Gumabao sa MUPH National Custome Competition.”


“Mainit ba sa venue? Pawisan si Marco Gumabao teh hahaha.”


“Kawawa naman si Marco Gumabao, pawis na pawis. He’s doing very well though.”


“Hindi ba aircon sa auditorium? Grabe pawis ni Marco Gumabao!”


Nauna nang naiulat ang pagpunta ng mga Miss Universe Philippines Contestants sa Eastern Visayas.


Binisita ng mga ito ang ilan sa mga tourist destination ng Leyte.


Samantala, magaganap ang coronation night ng Miss Universe Philippines sa darating na May 13, 2023 sa Mall of Asia, Pasay City.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo