Mag-Asawang Sarah at Matteo Guidicelli Hindi Pinapapasok Sa Village Nina Mommy Divine

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Lovely


 Walang paligo-ligoy at tahasang tinanong ng King Of Talk Boy Abunda ang actor-host na si Matteo Guidicelli tungkol sa estado ng relasyon nila ng mga mga magulang ng kanyang asawa.


Matatandaan na naging malaking usapin noon ang mahigpit na pagtutol ni Moomy Divine sa pagpapakasal ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli na pinag-uugatan ng kanilang hidwaan.


Nitong May 15, sa isang  episode ng Fast Talk with Boy Abunda, tahasang itinanong ni Tito Boy Abunda si Matteo kung totoo ba ang kuwentong hindi sila pinapasok sa isang village kung saan nakatira sina Mommy Divine at Tatay Delfin.


Ito'y 'instructions' umano mismo ng mga magulang ng singer na bawal silang papasukin.


“They are my mom and dad–my mother-in-law, father-in-law and I want to respect them the best way possible. I just wish one day, everything will be okay because I know how much they love Sarah, and I know how much Sarah loves them too,” sagot ni Matteo.


“Nasaan ngayon ang inyong relasyon? I understand that. Are you guys talking? Are you doing conversations? Are you civil?” muling pagtatanong naman ni Boy Abunda.


“We’re civil, I would like to believe so, Tito Boy. When I pray everyday for wisdom, strength, and humility na hopefully one day maging okay ang lahat for Sarah’s peace of mind,” muling sagot ni Matteo.


Samantala, hindi na lamang nilinaw ni Matteo ang isyu ng pagtataboy sa kanila ng mga magulang ni Sarah sa tuwing sinusubukan nilang mapalapit at makipag-ayos  sa mga ito.


“There are several instances but to speak about it in detail… it’s best to keep it private [out of] respect for them. They’re my in-laws and I wish to love them for Sarah’s sake and for the family’s sake,” pahayag ni Matteo.


Inamin rin ni Matteo na hindi parin niya nakaka-usap ang mga magulang ni Sarah Geronimo. Gayunpaman, naniniwala siyang darating din ang tamang panahon na lubusang mapapatawad na sila nina Mommy Divine at Daddy Delfin.


“I think lahat naman ng bagay sa buhay hindi puwedeng pilitin. Timing timing lang ba. So sana balang araw maging okay ang lahat. Not just for me but for Sarah’s peace of mind kasi at the end of the day family is family,” saad ni Matteo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo