Enrique Gil at Liza Soberano Matagal Ng Hiwalay!

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Jerome

 


Sa isang latest vlog ng kulumnistang si Cristy Fermin ay inilarawan niya ang actor na si Enrique Gil, ayon sa kanya na si Enrique ay under the Saya o sunod-sunoran lamang kay Liza Soberano.


Si Enrique ay pinag-iinitan dahil sa sya ay nananatili paring tikum ang bibig pagdating sa mga kontrobersyal na issue ng kanyang nobyang si Liza Soberano.


Ayon nga kay Cristy Fermin na dapat magkaroon daw ng paglilinaw sa side ng actor, lalo na at sila parin daw ngayon ni Liza.


Kasunod nito ay nagbigay din ng payo ang kulumnista sa bagong manager ni Enrique.


Aniya, "Alam mo ang bagong manager nitong si Ken, anak ni Tito June Rufino."


"Siguro dapat kausapin niya na ang kanyang alaga hindi sapat yung tahimik lang, hindi sapat yong hindi nakikihalo, kailangan meron siyang sabihin para sabihin din naman ng publiko na meron siyang paninindigan."


Pahayag pa ng kumulnista sa mga netizens na tila tao-tauhan lang daw itong si Enrique pag dating kay Liza Soberano.


Aniya pa, "Alam mo ang na imagine ko kung ganito na katinding issue ang pinag-uusapan hindi parin kumikibo si Ken, panu maayos pa sila, edi kung ano nalang ang sabihin ni Liza sunod-sunoran nalang."


Hirit naman ni Romel, "Parang ganun na nga ngayon ang lumalabas, talagang wala na siyang, say sa relasyon, kasi parang si Liza ang nasusunod sa lahat."


Dahil nga sa mga pambabash na ito kay Enrique ay nagkaroon tuloy ng hinala si Cristy Fermin na baka daw matagal nang hiwalay sina Enrique at Liza matagal na.


Aniya, "Isang araw masusurprisa nalang tayo, dahil ang katotohanan pala ay wala na sila matagal nang panahon at pilit nalang nila itong pinagtatakpan."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo