Julie Anne San Jose Nakisaya sa Mga Katutubong Aeta Bilang Celebration Sa Kanyang Kaarawan

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Lovely


 Naging kakaiba ang pagdiriwang ng singer-actress na si Julie Anne San Jose sa kanyang ika-29 birthday dahil kasama niya ang mga katutubong Aeta.


Ayon sa pagbabahagi ng Sparkle GMA Artist Center, makikitang nakisaya sina Julie Anne San Jose at boyfriend nitong si Rayver Cruz sa mga Aeta sa Inarao, Porac, Pampanga.


Pinakain nila ng Jollibee meals ang mga ito at binigyan pa ng ibang mga goodies.


Nakipaglaro din sila sa mga batang Aeta. Ibinahagi naman ni Julie Anne San Jose ang moment nilang ito kalakip ang caption na 'grateful'.


Sa pamamagitan ng isang social media post ipinahayag ni Rayver Cruz ang kanyang sweet message para kay Julie Anne, sa ipinagdiriwang ng ika-29 na kaarawan nito noong May 17. 


Sa heartfelt message, tinawag pa ng aktor si Julie Anne na "the love of my life." Agad naman itong sinagot ni Julie Anne ng isang sweet message sa comment section ng kanyang post.


Maging ang co-star ni Julie Anne San Jose sa teleseryeng Maria Clara at Ibarra sa GMA na si Barbie Forteza ay nagpaabot rin ng sweet message para sa kanyang kaarawan.


Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Barbie kung paano siya naiinspire sa kasipagan nito sa pagtatrabaho. Agad naman itong ni-repost ng singer-actress sa IG story at nagbigay ng sweet caption bilang sagot sa mensahe ni Barbie Forteza.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo