Barbie Forteza Hindi Aatrasan!

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Jerome

 


Na excite ng sobra ang mga fans ng dalawang actress na sina Kapuso actress Barbie Forteza at Kapamilya star Maris Racal.


Matapos na magpalitan ng mensahe sa social media ang dalawang young star ng magkaibang network.


Sa nasabing conversation nina Maris at Barbie ay tila pareho kasi silang nagpahiwatig na payag silang magsama sa isang proyekto sakaling magkaroon ulit ng Collaboration ang ABS-CBN at GMA7 sa hinaharap.


Ngayon nga ay malapit nang ipalabas ang ginawang collaboration project ng dalawang kilalang networks.


Ito nga ay ang drama series na UNBREAK MY HEART, na pagbibidahan nina Judy Sta. Maria, Richard Yap, Gabi Garcia at Joshua Garcia.


Kaya naman nitong nagdaang May 22, ay sinagot ng kapuso actress na si Barbie Forteza at kapamilya star na si Maris Racal ang mga tanong ng mga netizens.


Na nagtatanong kung ok lang ba sa kanila na magsama sa isang pelikula o sa isang Tv series.


Ito ay nag-ugat mula sa isang tweet ng isang fan page na nag suggest na pagsamahin ang dalawang sikat na actress. 


Sinagot naman ito ng actress na si Maris Racal na, "Sobrang game if ever."


Nireplayan naman agad ng kapuso actress na si Barbie Forteza ang sagot na ito ni Maris Racal ng katagang, "Game."


Kaya naman todo suporta naman ang kanilang mag tagahang kung sakaling mabigyan daw ng pagkakataon na magsama ang dalawa sa isang proyekto.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo