Joshua Garcia Pinatunayang Hindi Bitter, Handang Makipagtrabaho Muli Kay Julia Barretto

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Lovely


 Pinatunayan ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia na hindi siya naging bitter at tuluyan nang nakapag-move on sa dating nobya na si Julia Barretto. Tila hindi rin ito nagtanim ng galit sa umano'[y panloloko ni Julia sa kanya habang silang magkarelasyon pa.


Sa naging guesting ni Josua Garcia sa Fast Talk with Boy Abunda, naitanong ni Boy Abunda kung ano ang kasalukuyang relasyon nila ng dating nobya na si Julia Barretto.


Agad naman itong sinagot ni Joshua at sinabing okay naman sila ni Julia. Ipinahayag din ni Joshua na kung sakaling mabibigyan ng pagkakataon ay nais niyang makatrabaho muli ang aktres.


 “Sabi ko sa mga bossing namin, kasi parang okay, secret lang natin ito, may project na hinahain sa akin and they can’t find a partner for me.”


“And then, unang pumasok sa isip ko na bagay dun sa karakter si Julia. Pero yung usapan, hindi ko alam kung anong nangyayari, pero sana, payagan ng management si Julia,” saad ni Joshua Garcia.


Matatandaan na naging kontrobersyal ang hiwalayan noon nina Julia Barretto at Joshua Garcia dahil sa isyung nangaliwa si Julia at pasekretong nakikipagrelasyon na kay Gerald Anderson habang may relasyon pa sila ni Joshua Garcia.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo