John Estrada Muling Iginiit Na Hindi Sila Nag-away Ng Asawang Si Priscilla Meirelles

Huwebes, Mayo 11, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa social media ang sunod-sunod na post ng asawa ni John Estrada na si Priscilla Meirelles patungkol sa mga taong pumapatol sa may asawa at ang pagiging unfaithful ng lalaki dahil sa panlalandi ng iba.


Kalaunan ay inamin ni Priscilla na may hindi sila pagkakaunawaan ng asawa. Naidawit pa sa isyu ang isang content creator na nakabase sa Cebu. Hinamon pa niya itong makipag-face to face sa kanya.


Agad namang bumwelta ang itinuturong babae ni John Estrada at itinanggi ang mga akusasyon ni Priscilla.


Patuloy naman ang pananahimik ni John Estrada sa mga hanash ni Priscilla at patuloy pa rin sa pagbabahagi ng mga sweet photos nilang dalawa.


Bagama't hindi tahasang ipinahayag ipinapakita naman ni John na maayos ang pagsasama nilang mag-asawa.


Sa naganap na mediacon ng Batang Quiapo hindi sinasagot ni John Estrada ang mga pribadong katanungan tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang asawa.


 “Hindi ko puwedeng iano yan kasi pribado kong buhay ito. Although public figure ako, of course this is my life. Kung mayroon man akong sagutan, sa pamilya ko lang yon, sa mga taong mahal ko, yon lang,” pahayag ni John Estrada.


Kahit ano pa man ang tanong ng mga press people kay John nananatili pa ring tikom ang bibig nito.


Sa huli nagbigay pa si John ng sweet message sa kanyang maybahay na si Priscilla Meirelles.


“Thank you for being the perfect partner, I love you, my love!” mensahe ni John.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo