Cristy Fermin, Isiniwalat Na Ang Kwento Sa Likod Ng Handler Ni Alden Richards

Miyerkules, Mayo 17, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng panibagong update ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin hinggil isyu patungkol sa handler ng Kapuso actor na si Alden Richards.


Nauna nang ipinahayag ni Cristy Fermin ang kanyang panawagan kay Alden Richards na linawin ang boundaries ng trabaho sa taong kasa-kasama niya ngayon.


Nakarating na kasi di-umano kay Cristy Fermin na marami ang naiinis sa taong kasama ni Alden dahil sa pagiging nosy nito sa trabaho ng aktor.


"Siguro raw po ay namimisinterpret lang daw po itong si Sam. Ang misinterpretation kasi sa isa, dalawa, ikatlong pagkakataon, pasable pa yan e pero kapag marami na po talagang nagsasabi, at nagrereklamo at ang tinutukoy ay ang pakikialam nitong si Sam, merong mali sa kanila." 


Sa pagkakataon ito ay tahasan nang pinangalanan ni Manay Cristy Fermin ang taong kanyang tinutukoy.


"Ang pangalan po niya ay Sam. Marami pong nagtatanong sino ba si Sam sa buhay ng pambansang Bae. Ano ba ang kanyang trabaho at bakit siya pinagbibintangan na parang hawak lamang sa leeg si Alden Richards."


Ayon kay Manay Cristy Fermin, pinaliwanag na mismo umano ni Alden sa kanya kung ano ang relasyon ng mga ito.


"Eto po ang kanyang paliwanag, si Sam daw po ay kanyang handler, handler niya si Sam at nagmamaneho rin para sa kanya."


Pinayuhan din umano niya si Alden na dapat nitong linawin kay Sam kung hanggang saan lamang ang trabaho nito bilang handler at driver.


"Pero pinagsasabihan ko po si Sam. Dapat din sigurong linawin ni Alden kung saan nagsisimula at nagwawakas ang trabaho ni Sam para sa kanya." 


Tila hindi naman na offend si Alden Richards sa pagpapayo ni Cristy Fermin sa kanya bagkus ay nagpapasalamat pa ito sa paghingi sa kanyang panig.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo