CIA With BA Nagbigay Ng Babala Sa Lahat Ng Mga Marites

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng babala ang CIA with BA sa kanilang mga manonood na ma-ingat at huwag masyadong maging Marites.


“Just because uso ang pagiging Marites, hindi ibig sabihin na hindi ka pwedeng ma-barangay o mapakulong dahil it’s a criminal offense na manira ng kapwa,” paalala ni Sen. Alan Peter Cayetano.


Kasama ni Sen. Allan Cayetano sa CIA with BA ang kanyang kapatid na si Pia Arcanghel at King Of Talk na si Boy Abunda.


Sa nasabing episode, tinalakay nila ang isang reklamo ng babaeng nagtatrabaho sa isang KTV Bar.


Inirereklamo nito ang dating kinakasama na nagpapakalat umano ng mga malisyosong bagay tungkol sa kanya sa kanilang lugar.


Agad namang tinalakay ni Pia Arcanghel ang mga elemento ng kasong oral defemation o slander laban sa dating kinakasama ng babae.


“Kapag siniraan mo ‘yung ibang tao, kailan ‘yon magiging krimen? Krimen ‘yon kung ‘yung sinabi mo, ‘yung lumabas sa bibig mo ay para kang may sinasabing may ginawang krimen, may kondisyon o status ‘yung tao na hindi maganda.”


“Number two — you do it in public. Kung pribado, walang problema."


“Third is when it is malicious. Kung ang pagkasabi naman [ay] natural lang, para kang nagre-report na something na totoo at walang malisya, then hindi rin,” sabi ng senadora.


“Fourth is nadi-dishonor nga ‘yung tao. ‘Yung sinasabi mo nakakasira sa kanya,” pagpapaliwanag ni Pia.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo