Christian Merck Grey Nakapag-Withdraw Na Ng Ibabayad Kay Xander Ford sa Isang Kondisyon

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Lovely


 Tila mauudlot nanaman ang pagbubunyi ng social media personality na si Xander Ford Arizala dahil may isang kondisyon pa pala si Christian Merck Grey aka Makagago sa pagbibigay niya ng 349 thousand pesos.


Sa lates video na ibinahagi ni Christian Merck Grey, ibinahagi niyang nakapagwithdraw na siya ng pera na ibibigay kay Xander.


Ayon kay MakaGwapo, anytime ay makukuha na ni Xander sa kanilang pamamahay ang perang sinisingil nito kahit hindi naman umano siya nangako.


Subalit, ayon pa kay Makagwapo na ibibigay niya ang pera kay Xander Ford sa isang kondisyon. Dapat umanong agad na ideposit ni Marlou sa bangko ang pera na nakapangalan sa anak nitong si Baby Xeres.


Nauna nang ipinahayag ni Makagwapo na kaya lamang siya magbibigay ng pera kay Xander Ford dahil naawa siya sa anak nitong nadadamay na isyu at nababash na rin dahil sa ginagawa ng kanyang mga magulang.


Sa kabilang banda, napapatanong ngayon ang mga netizens kung gagawin ba ni Marlou ang kondisyon ni Christian Merck Grey dahil nauna na nitong sinabi na kaya siya naniningil kay Merck Grey dahil marami siyang utang at bayarin sa pagpapa-ospital ng kanyang parents in law.


Samantala, pabor naman ang mga netizens sa kondisyong ito ni Christian Merck Grey kay Xander Ford. Ipinunto pa ng ilan  na ang bata ang binigyan at hindi ang ama nitong isip bata.


"GOOD IDEA IDOL, SALUTE SAYO AND TO YOUR FAM! GOODBLESS U."


"good idea po 😊

Sarap nga kotongan ni marlou pinagkakitaan anak e jusmeeew"


"Pareha kayo may Mali ni marlouga po kase ikaw na ngako kapo sya nmn ang Mali nya bakit nya inaasa pag ppabinyg nya ng ank nya maling Mali yun responsiblidad nya ang mag pabinyg ng ank nya hndi nyo po responsiblidad yun ang responsiblidad LNG po ng mga ninong or ninang at gabayan din sa pag laki ang mga inaank po OK LNG mag abot pero yung lht iaasa ay grbe nayun"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo