Christian Merck Grey Ibinigay Na Kay Xander Ford ANG 350 Thousand

Miyerkules, Mayo 31, 2023

/ by Lovely


 Sa wakas ay ibinigay na ni Christian Merck Grey kay Xander Ford ang 349 thousand na pilit nitong sinisingil sa kanya. Ginawa pa niya iong 350 thousang para wala na umanong butal.


Matatandaan na ipinahayag ni Xander Ford na handa siyang magpatulong kay Sen. Raffy Tulfo sa paniningil kay Merck sa ipinangako nitong pera para sa binyag ng kanyang anak.


Inihatid mismo ni Merck ang pera kay Xander Ford, gayunpaman, tanging si Xander lamang ang humarap kay Merck para kunin ang pera at wala ang ka-live in nitong si Gena Mago. Gayung una nilang napagkasunduan na ibibigay mismo ni Merck ang pera sa harap ng kinakasama ni Xander.


Ayon naman kay Xander, busy si Gena sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Baby Xeres kaya siya na lamang ang humarap kay Merck. Tila naiinis pa si Xander at ipinuntong wala nang karapatan doon si Merck at sa kanya na lamang ibigay ang pera.


Samantala, sa bigayan nila ng pera, inamin ni Xander Ford na hindi naman pala talaga nangako si Merck sa kanya na magbigay ng 349 thousand.


Biniro lamang umano siya nito sa komento na magbibigay ito ng kalahati sa bayad sa binyag at sa reception.


Gayunpaman, labis-labis ang tuwa ni Xander Ford sa ibinigay na pera ni Merck sa kanila.


Ayon kay Xander, magdidiwang silang pamilya sa bigay na pera ni Merck, gagamitin rin umano niya ang iba rito para makapagtayo ng negosyo at ang iba ay idedeposit niya sa account ni Baby Xeres.


Hindi naman nagustuhan ng ilang mga netizens ang pagiging ungrateful ni Xander ni hindi pa ito nagpasalamat sa perang ibinigay ni Merck.


"Napakabait mong tao christian salute to you🙏❤️ madaming ganyang klase ng tao tulad ni marlou siya na tong binigyan ni magthank you dipa nasabi nakakalokang paguugali ğŸ‘ŠğŸ‘Ž

May god bless you more Grey'sFamily"


"Grabe to si Marlo,di na nahiya..parang sya pa ang galit .responsibilidad mo yan Marlo sa anak mo.pasalamat ka nalang kay sir Merck ksi nagbigay ng ganyang kalaking pera..hay jusko..buti ambait pa ni sir Merck na tinulungan kpa .godbless u more sir Merck"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo