Antonette Gail Del Rosario, Sinagot Ang Bashers Sa Pagpapagawa Niya Ilong!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang pagpapagawa ni Antonette sa kanyang ilong matapos umanong maaksidente sa kanilang lampshade sa kwarto.


Ayon pa kay Antonette, na talagang kailangan niya ng nose surgery dahil tumama ang buto ng kanyang ilong sa lampshade. Subalit marami sa mga netizens ang hindi naniniwala sa kwento nito.


Mas kapani-paniwala pa umano sa sinadya ni Antonette ang pagpapagawa ng kanyang ilong upang tumangos na ito.


Agad naman itong sinagot ni Antonette sa pamamagitan ng pagbabahagi niya ng doctor's report. Makikita sa nasabing report ang nangyari sa kanyang ilong na naging dahilan kaya nahihirapan siyang huminga.


Nilinaw pa niya na kung hindi siya nadisgrasya noon ay talagang hindi niya ipapagawa ang kanyang ilong.


Bukod sa doctor's report, ipinakita rin ni Antonette ang picture ng kanyang ilong pagkatapos ng aksidente.


Samantala, ipinunto naman ng ilang mga fans nina Whamos at Antonette na wala namang mali sakaling nagdesisyon si Antonette na ipagawa ang kanyang ilong na aksidente man o hindi dahil perang pinaghirapan naman nila ang kanilang ginamit.


Dagdag pa nila na hindi naman ito gagawin ni Antonette kung maapektuhan ang pagpapabreast feed niya sa anak o ang kalusugan ni Baby Meteor.


"Ano naman kung magpagawa ng kung ano ano sa katawan pera naman nila yan pinaghirapan nila katawan din nila yan."


"Magalit kayo kung magpapagawa kang kung ano ano sa katawan niyo wala kayong budget yung tipomg may pampagawa tapos wala ng pangkain o pumbudget kinabukasan."


"Mga basher talaga jusko hayaan mo momsh antonnette di mahalaga sasabihin ng ibang tao basta alam mo nasa tama always pray to god momsh and god bless you always"


"Huwag munang iisipin pa kung ano Ang sinasabi nang mga basher Ang mahalaga ay yung condition nang health mo ay , maging maayos ,Get well soon n God Bless u more"


Sa huli, ipinunto ni Antonette na talagang hindi niya kayang iplease ang lahat dahil kahit na ano man ang gawin niyang paliwanag at pagpapakita ng proof may magdududa pa rin sa totoong nangyari sa kanya.


Sa kabila ng lahat, malaki pa rin ang pasasalamat ni Antonette dahil naayos na ang kanyang nose injury at nakakahinga na siya ng maayos ngayon.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagpapagaling ni Antonette mula sa injury at sa surgery.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo