Angelica Panganiban Emosyunal Sa Muling Pagbabalik Sa Abs Cbn, Kasama Si Baby Amila at Gregg Homan!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Jerome

 


Ibinahagi ng actress na si Angelica Panganiban, sa kanyang social media account ang kanyang pagbisitang muli, sa kanyang tahanan sa loob ng tatlongpong taon, ito ay ang ABS-CBN.


Isinama at inikot ng actress ang kanyang mag-ama, na si Baby Amila at si Gregg Homan doon sa ABS-CBN building.


Sabi pa ni Angelica sa kanyang caption sa post, na naging emosyonal daw siya ng kunti sa kanyang pagbabalik sa kanyang tahanan ng 30 years sa ABS-CBN building.


Malaki din ang pasasalamat ng actress sa kanyang mga bosses, ng nasabing network, dahil sa hinayaan lang daw siya nila, na e-enjoy niya ang kanyang pagiging ina sa ngayon.


Caption niya, "Last week i gave my family a tour. Inikot ko sila sa aking tahanan for 30 years." 


"Nakabisita rin kami kay tita cory at ninong @direklauren 🫶 naging emotional ako ng konti. Namiss ko ang tahanan ko. Namiss ko ang mga kapamilya ko."


"Pero malaking pasasalamat at hinahayaan muna nila ko mag enjoy sa pagiging nanay ko ngayon ❤️💙💚"


Sa ngayon nga ay may katulong na ang actress na si Angelica sa pagbabantay sa kanyang anak na si Baby Amila, ay nagkakaroon narin ng oras silang mag-asawa para makipagkita sa kanilang mga kaibigan.


Nag bahagi din si Angelica sa kanyang Instagram story, ng larawan ng mga kamay nila ng kanyang asawang si Gregg Homan na mahigpit na magkahawak at may caption na "So Proud of Us."


Agad naman na bumuhos ang mga heart emoji's na mula sa mga netizens at sa kapwa niya artista, sa post na ito ng actress.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo