Anne Curtis, Sumailalim Sa Acting Refresher Courses

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi mismo ng actress-host na si Anne Curtis na sumailalim siya sa acting refresher courses. Ito ay bilang paghahanda sa kanyang panibagong project na pinamagatang "Buy Bust: The Undesirables" ni Erik Matti.


Bagama't hindi pa naman nagsisimula ang taping makikitang very excited na si Anne Curtis sa pagbabalik niya sa pag-arte. Ibinahagi pa niya ang script na ibinigay sa kanya ni Derik.


"Acting refresher Day 1. It’s been 4 years ‍Training blades came out while I was finishing these scripts @erikmatti I am extremely excited for this!" pahayag ni Anne Curtis.


Agad man itong umani ng mga komento mula sa kanyang mga tagahanga at maging sa kanyang mga kaibigang celebrities.


Ipinahayag ng mga tagahanga ni Anne Curtis na muli na namang masilayan ang kanyang pag-arte matapos ang mahigit apat na taon.


"Saw your pics! I have so much notes on these. So excited!!!"


"I AM MORE THAN EXCITED"


"I need to re-watch Buybust again on Netflix"


Si Anne Curtis Smith-Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel. 


Isa rin siya sa mga regular host ng Kapamilya show na It's Showtime.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo