Yasmin Kurdi, Pinagtawanan Ng Mga Katrabaho Sa Showbiz, Dahil Sa Pagiging Weirdo!..

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Jerome

 


Nagbahagi ng isang nakakalungkot na karanasan ang actress na si Yasmin Kurdi, sa kanyang intagram, account.


Pagbabahagi ng actress,  na bata palamang daw siya, ay palagi na siyang tinutukso at tinatawag ng weirdo ng kanyang mga nakakasalamuha.


Mula elementary hanggang siya ay makatapos ng chollege. Hindi din daw niya alam kung bakit ganun ang tingin nga mga tao sa kanya.


Hanggat sa makapasok daw umano siya sa mundo ng pag-aartista, na kung saan ay naisip niya na maraming katulad niya.


Kaya inakala niya na masmatatanggap at mauunawaan siya ng mga taong nakapaligid sa kanya.


Ngunit nagpatuloy daw ito at kung minsan nga daw ay pinagtatawanan pa siya ng kanyang mga katrabaho, dahil sa kanyang ka weirdohan.


Pahayag nga ng actress sa kanyang Instagram account, "Bata pa lang ako naalala ko tinatawag na nila akong “Weird”… ng mga classmates ko and friends from highschool at college."


"Hanggang pumasok ako sa showbiz na akala kong mas maraming weird and out of this world mag isip na tao, pero weird pa din ang tingin nila sakin…"


"Minsan tinatawag nila akong “krung krung”, “scaredy”, “weirdo” at kung ano ano pa... Lagi nila ako pinagtatawanan (ng mga katrabaho ko) pero di ko alam kung bakit. Noong una akala ko di lang nila ako trip at love kaya #weird ang tawag nila sakin."


"Nakikita ko sa mga mata nila at alam kong pinaguusapan nila yung pagiging weird ko."


Gayun paman, ay nagawa daw niyang tanggapin ang kanyang pagiging weirdo, itinuturing niya itong isang blessing dahil sa pagiging weirdo niya daw ay narating niya, kung anong meron siya ngayon.


Ayon sa kanya"Pero eventually I embraced my weirdness, siguro dahil doon kaya ako artista haha!" 🤭 


Nagbigay din siya ng payo sa mga kabataang nakakaranas din ng kanyang pinagdaanan, "Kaya kids, wag kayo ma bother kung may tumatawag sa inyong “weird” because we are all unique in our own way. Wag mo iyakan yan (tulad ko noon) 🥹 Di mo kailangan i-meet yung “standards” ng society."


"Make sure lang na wala kang tinatapan na tao at mabait ka sa lahat. Be proud of your uniqueness at weirdness 😉 Keep doing your thing. One day it will all make sense."


"Just keep going! One day you may just change the world. Cheers! 🥂 #ItsOkToBeWeird #ImWeirdAndIKnowIt #ProudToBeWeird." 🤗🫣


Samantala umani naman agad ito ng iba't-ibang reaction at komento, mula sa kanyang mga tagahanga at sa kanyang mga kaibigan.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo