Vic Sotto Walang Natatanggap Na Sweldo Mula Sa Eat Bulaga, Kinakaltasan Pa Rin Ng Tax!

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Lovely


Isiniwalat na ni Tito Sotto ang totoong nangyayari ngayon sa noontime show na Eat Bulaga at sa namumuno ng TAPE Inc.


Ipinahayag din ni Tito Sotto ang ilang mga problema na kinakaharap ngayon ng show sa ilalim ng pamumuno ng mga Jalosjos sa TAPE Inc.


Isa sa mga naisiwalat ni Tito Sotto ay ang pagbabawas ng tax kay Vic Sotto kahit wala naman siyang natatanggap na sweldo mula sa TAPE Inc.


“Ewan ko kung mapi-pick-up ng BIR [Bureau of Internal Revenue] yan. Si Vic kinakaltasan ng VAT pero hindi niya natatanggap ‘yung sweldo,” pagsisiwalat ni Tito Sotto.


“Natatanggap niya na nagbabayad siya ng VAT [value-added tax] sa dapat niyang swelduhin pero hindi niya natatanggap ‘yung sweldo. How do you explain that?” dagdag pa ng dating Senate President.


Nilinaw naman ni Tito Sotto ang dahilan kung bakit ngayon lamang siya nagbigay ng statements tungkol sa nangyayari sa Eat Bulaga.


Ayon kay Tito Sotto, nauna silang nanahimik dahil gusto nilang manatili ang maayos na relasyon nila ng TAPE Inc. 


Nauna lamang umano silang nagtimpi subalit matapos ang naging interview ni Mayor Bullet Jalosjos at nagpahayag ng mga kasinungalingan ay hindi na nakapagpigil si Tito Sotto.


Kamakailan lamang sa guesting ni Mayor Bullet Jalosjos, isa sa mga executives ng Tape Inc., sa programang FTWBA ipinahayag niyang hindi nila papaalisin ang TVJ sa show.


Agad naman itong inalmahan ni Tito Sotto dahil lumalabas umano na kaawa-awa sila at maari talagang patalsikin gayung ang TVJ at Eat Bulaga ay iisa lang.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo