Willie Revillame Natablan Na Daw Ng Hiya Ayon Kay Lolit Solis!

Martes, Abril 4, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng maanghang na banat ang veteran showbiz columnist sa isang hindi pinangalanang celebrity na tinablan na umano ng hiya.


Sa kabila, ng hindi pagtutukoy ni Lolit Solis tila alam na ng lahat na si Willie Revillame ang tinutukoy nito.


Ayon kay Manay Lolit baka tinablan na umano ng hiya ang host dahil hindi naman pumatok ang programa niya sa ALLTV.


“Hindi pumalo, talagang ayaw na ng viewers, wala ng ningning ang celebrity. Walang sponsor, wala ng drama ang eklay na pagtulong kunwari sa mga may kailangan.”


“Hindi na kinagat ang mga sinasabing big prizes, talagang sawa na ang viewers. Hay naku, isang araw medyo nauntog na at talagang wala ng puwede pa gawin, or baka tinablan na rin ng hiya kaya nag decide ng putulin ang programa na feeling niya abutin pa ng years."


“So heto na naman drama, kunwari kusa siyang nag decide na simpleng buhay na lang. Wow, nagising na sa reality na laos na, wala na. Kaya hayan, pagbigyan natin, resign kunwari, simpleng buhay, pahinga na lang muna.”


Nauna na rito, isiniwalat ni Cristy Fermin sa kanyang programa ang umanong pagreresign ni Willie Revillame sa ALLTV.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo