It's Showtime At Eat Bulaga Possibleng Mag-Back To Back Sa TV5!

Martes, Abril 4, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin natatapos ang internal issue sa noontime show na Eat Bulaga.


Ayon sa aming nakalap na mga impormasyon nakikipagnegosasyon na umano ang pamunuan ng Eat Bulaga sa ibang TV station sakaling hindi magiging maayos ang usapan nila sa kasalukuyan nilang network.


Isa rin sa maaring dahilan ng paglipat ng Eat Bulaga sa ibang network ay ang nirerentahan nilang air time sa GMA network na may kamahalan umano.


Kabilang sa mga pinakiusapan nila ay ang nagpo-produce ng show sa TV5 na si Mayor Albee Benitez.


Matatandaan na kasalukuyang may block time agreement si Mayor sa ABS-CBN ngayon.


Sa pagkakatigil ngayon ng ka-back to back show ngayon ng It's Showtime na Tropang LoL maari kayang mapalitan ito ng Eat Bulaga?


Sakali man, mapapanood na ang dalawang magkatapat na show sa iisang network lamang at maari pang magiging back to back ang mga ito.


 Sa karagdagang impormasyon nagbigay na umano ng ultimatum ang pamunuan ng ‘Eat Bulaga’ sa kanilang negosasyon sa GMA-7.


Kapag natapos ng Holy Week na hindi pa rin sila nagkakasundo ay handang umalis sa network ang noontime show at maghanap ng bagong tahanan ang ‘Eat Bulaga’ at TVJ. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo