Tito Sotto at Brightlight Productions May Usapan Na!

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Lovely


 Tahasang naitanong ni Manay Cristy Fermin si Tito Sotto tungkol sa nangyaring usapan nila ng Brightlight Productions.


Ang Brightlight Productions ay isang production company na nasa likod sa noontime show na Tropang LOL.


Sa naging panayam ni Manay Cristy kay Tito Sotto prangkang tinanong ng kolumnista si Tito Sotto sa mga isyung bumabalot sa Eat Bulaga.


Isa pa sa natanong ni Manay Cristy ay ang nangyaring usapan umano nina Brightlight Productions CEO na si Mayor Albie Benitez at ng TVJ.


Tila nagulat naman si Tito Sotto dahil gabi umano nangyari ang usapan at kunti lamang ang nakakaalam sa nangyari subalit nasagap pa rin ni Manay Cristy Fermin.


"Galing mo naman, kagabi lang 'yun... Maganda ang pinag-uusapan namin, maganda ang offer. I will not speak beyond that, 'yun yung pinag-usapan naming tatlo kagabi," ani Tito Sotto.


Ang Brightlight productions ang siyang nasa likod ng noontime show na Lunch Out Loud kung saan sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani ang ilan sa mga host nito.


Kamakailan lamang ay napapabalitang nagkaroon ng internal conflict ang Eat Bulaga. May mga pagbabago kasing ginusto ng mga executives ng Tape na hindi nagustuhan ng TVJ.


Sa kabilang banda, bigla na laman nahinto ang noontime na pinoproduce ng Brightlight productions na Tropang LoL.


Sa pag-uusap ng dalawang kampo, magiging posible na ba ang paglipat ng Eat Bulaga sa ibang TV network.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo