Madam Inutz Umalma Sa Balitang Puman@w Na Siya!

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Lovely


 Nanggagalaiti sa galit ang social media personality na si Daisy Lopez na mas kilala bilng Madam Inutz sa balitang namatay na siya.


Pinatikim ni Madam Inutz ng maaanghang na mura ang netizen na nagpapakalat ng napakasamang fake news sa buhay ni Madam Inutz.


Noon paman, kilala na si Madam Inutz sa pagpapakawala ng malulutong na mura sa tuwing naglalive selling.


Pumasok rin noon bilang housemate sa bahay ni Kuya sa Kumunity Season 10 si Madam Inutz.


Sa ngayon ay tila hindi na ganoon kalakas ang showbiz career ni Madam Inutz bagama’t aktibo pa rin siya sa social media, at sa live selling, hindi na lamang ng mga damit kundi pati ng kaniyang skincare products.


Samantala, patuloy pa rin ngayon kumakalat ngayon sa social media ang balitang pumanaw na si Madam Inutz.


Agad naman itong sinagot ng social media personality at sinabing mauuna pang mamatay ang mga nagsasabing pumanaw na siya.


 “SA MGA NAGBABALITANG PATAY NA KO TANG*NA NYO MAUUNA PA KAYO SAKIN ‼️ NAG USAP NA KAMI NI SAN PEDRO KAYO ANG FIRST LIST NYA 😆😆.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo