Sikat Na Singer Na Si Gigi De Lana Isinugod Sa Ospital Dahil Sa Malubhang Sakit!

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Jerome

 


Humihingi ngayon ng dasal ang actress singer na si Gigi De Lana sa mga netizen at lalo na sa kanyang mga fans.


Ito'y matapos siyang ma diagnose sa sakit sa lalamunan, nito lamang miyerkules, April 26, 2023.


Ay inanunsyo ng singer sa gitna ng kanyang performance sa isang event.


Sinabi niya na pansamantala daw muna siyang hihinto sa pagkanta.


Mapapansin nga sa video na tila talagang malungkot na sinabi ni Gigi De Lana, sa mga manonood na hindi niya alam kung pagkatapos ng kanyang pagpapagaling ay ganun parin ba ang kanyang boses.


Sabi niya, "Gusto ko sumabay kayo sa akin, kahit hindi niyo alam ang kanta, kahit kunwari lang, I just want to hear you sing, kahit kunwari lang."


"Because I don't know if my voice will remain like this forever."


Matapos nga nito ay ibinunyag na niya sa mga audience na siya ay na diagnose sa sakit sa lalamunan.


Ayon sa lumabas na impormasyon, si Gigi ay na diagnose sa sakit na nodules.


Ang vocal cord nodules (tinukoy bilang "vocal fold" nodules ng mga manggagamot) ay mga paglaki na nabubuo sa vocal cords.


Ang mga bukol na ito ay benign (noncancerous) at katulad ng mga kalyo na maaaring mabuo sa mga kamay. Nakakaapekto ang mga nodulo sa mga babae at lalaki sa anumang edad, at karaniwang sanhi ng mga isyu sa boses sa parehong mga bata at matatanda.


Dahil na sa pagbabahaging ito ng singer ay sobrang nalungkot ang karamihan, lalong-lalo na ang kanyang mga fans na lubos na humahanga sa kanyang boses.











Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo