Sachzna Laparan at Jerome Ponce Todo Parinigan Sa Social Media! Matapos Ang Hiwalayan!

Linggo, Abril 9, 2023

/ by Lovely


 Katulad nang naunang mga social media personalities na naghiwalay, tila nagbabangayan ngayon online ang dating magkarelasyon na sina Jerome Ponce at Sachzna Laparan.


Nag-ugat ang lahat nang unang nagbahagi si Sachzna ng isang vlog kung saan makikita ang kanyang paghagulhol habang tinatanong ang sarili kung saan nga ba siya nagkulang.


Bagama't hindi naman nilinaw ni Sachzna ang naging dahilan ng kanyang paghagulhol, hinuha ng mga netizens na naghiwalay sila ng nobyong si Jerome Ponce.


Ilang sandali matapos ibahagi ni Sachzna ang kanyang vlog, may isang cryptic message naman si Jerome Ponce sa kanyang Instagram story ng LTWYL o Love The Way You Lie.


Tila sinagot naman ito ni Sachzna sa kanyang Instagram story ng qoute tungkol sa manipulation.


“Manipulation is when they blame you for your reaction to their disrespect.”


Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens na hindi na sila naka-follow sa isa't-isa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo