Kinumpirma na ni Cong. Rowena Guanzon na dating COMELEC Commissioner na nagwagi ang dalawang kasambahay sa kanilang reklamo laban sa aktres na si Ruffa Gutierrez.
Sa isang video na ibinahagi ng dating commissioner, isiniwalat niya na nanalo ang dalawang kasambahay at kinailangan silang bayaran ng aktres ng karampatang danyos.
“Sana maging leksyon ito sa mga amo na ituring naman pong tao na may damdamin ‘yung mga kasambahay ninyo. Sana po maayos na rin ito."
"Nanawagan ako kay Ruffa Gutierrez na ayusin na n’ya ito, i-settle na niya dahil ang gusto lang naman ng mga kasambahay po ay makapagtrabaho nang maayos at ituring nang maayos. Kaya salamat po sa lahat ng tumulong,” pahayag ni Rowena.
Salamat sa lahat na tumulong sa dalaqang kasambahay na taga Negros Occidental lalo na sa mga abogado #p3pwdatyourservice pic.twitter.com/VHCNxaPmRR
— Rowena Guanzon (@rowena_guanzon) April 2, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!