Rowena Guanzon, Malaki Ang Pasasalamat Sa Pagkapanalo Ng Dalawang Kasambahay!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


 Natutuwa at labis na nagpapasalamat ang dating COMELEC Commissioner na si Rowena Guanzon sa pagkakapanalo ng dalawang kasambahay na nagreklamo sa aktres na si Ruffa Gutierrez.


Matatandaan na noong September 2022, nagreklamo ang dalawang kasambahay na mula sa Mindanao na pinalayas at hindi umano sila binigyan ng sahod ni Ruffa Gutierrez.


Samantala, kasunod ng pagkapanalo ng dalawang kasambahay nagbahagi ng tweet si Rowena Guanzon kung saan ipinahayag niyang kakampi siya ng mga inaapi.


“Kakampi ako ng mga inaapi, ng mga walang kalaban-laban. Mga kaibigan, nanalo sa labor case ang dalawang kasambahay laban kay Ruffa G.”


Matatandaan na si Rowena Guanzon ang unang nagsiwalat at bumanat kay Ruffa Gutierrez matapos umanong malaman ang pagmamalupit ni Ruffa sa kanyang mga kasambahay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo