Aljur Abrenica, Tahimik Sa Pagsisiwalat Ni Jeric Raval Sa Dalawang Anak Nila Ni AJ Raval

Miyerkules, Oktubre 15, 2025

/ by Lovely


 Nanatiling tikom ang bibig ng aktor na si Aljur Abrenica sa usapin tungkol sa diumano'y mga anak na umano’y mayroon na sila ng aktres na si AJ Raval—isang pahayag na unang nabanggit ng ama ni AJ na si Jeric Raval sa isang panayam.


Sa panig ni Aljur, bagamat iginiit niyang nirerespeto niya si Jeric bilang isang ama, pinili niyang huwag pang pag-usapan ang isyu sa ngayon. Ayon sa kanya, hindi pa siya handang ilantad o kumpirmahin ang mga detalye kaugnay nito.


“Si father Jeric, tatay ’yan eh. He always sees what is good for everyone, tama lang iyon. Para sa akin, for now, I cannot talk about it personally. I am not yet comfortable. As an individual, I prayed for it. Nakita ko, huwag muna. Everything will be unveiled in time, sa susunod,” pahayag ni Aljur.


Matatandaang nilinaw ni Jeric Raval na ang kanyang pahayag tungkol sa pagkakaroon ng dalawang anak nina Aljur at AJ ay isang hindi sinasadyang mabanggit lamang, at wala siyang intensyong lumikha ng ingay o kontrobersiya.


Gayunman, nauunawaan naman ni Aljur ang naging posisyon ng beteranong aktor. Aniya, “Tatay din ’yun eh. I have big respect for him. Alam n’yo ’yung complication sa mag-ama minsan kasi di natin nakikita. Sometimes kasi, mas matanda sila sa atin, they see things we do not see.”


Nang tanungin naman tungkol sa estado ng relasyon nila ni AJ Raval, inamin ni Aljur na hindi naging madali ang lahat, ngunit nananatili silang matatag sa kabila ng mga pagsubok.


“Wala naman perpekto — that’s what I love about it. Pag smooth na ’yan, nothing to learn. Sa biyahe namin ni AJ, what I’m proud and happy to say is walang bumitaw.”


Sa kabila ng lahat, tiniyak din ng aktor na maayos ang kanyang pakikitungo sa dating asawa na si Kylie Padilla. Patuloy silang nagtutulungan sa pagpapalaki ng kanilang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.


“Goods talaga with Kylie. OK na OK kami, we have constant communication. Napag-uusapan namin updates sa bata, kamusta sila. Pag-aaral nila, especially sa iPad and gadgets. Di ko kaya mag-isa. Di niya rin kaya mag-isa. Naba-balance namin. Sa buhay, walang madali. But as long as you do it with Him and His guidance.”


Ayon pa kay Aljur, wala raw madali sa buhay, pero naniniwala siyang ang pagkakaroon ng pananampalataya at gabay mula sa Diyos ang nagpapatatag sa kanya sa kabila ng lahat ng mga pagsubok.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo