Rendon Labador Binarda Ang Mga Bumabatikos Sa Kanyang Motivational Rice!

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Lovely


 Hindi na nakapagtimpi ang self proclaimed motivational speaker at businessman na si Rendon Labador sa mga netizens na bumabatikos sa kanyang motivational rice sa kanyang resto.


Sa isang inilabas na video ni Rendon, sinabi niyang ang mga netizens na nagrereklamo sa presyo ng kanyang motivational rice ay hindi kabilang sa kanyang target market.


Sa kabila ng mga nagrereklamo nagpapasalamat naman si Rendon sa ilang sumuporta sa kanya at sinabing sila ang naging dahilan kung bakit number one rice ng Pinas ang nabibili sa kanyang resto.


“Saan niyo ba ikinukumpara ‘yung mahal para sa inyo? Kasi depende yan sa tao eh, sa ibang tao mura, sa ibang tao sobrang mahal, meron namang iba na sakto lang.”


“Nasaan ba kayo doon? Baka oras na para isipin ninyo na ‘nasan ba ako sa buhay ko [at] bakit ‘yung 100 pesos hindi ko ma-afford’ sinong kawawa sa huli, edi sarili niyo,” pagpupunto ni Rendon.


Muli din niyang ipinunto na hindi niya minamaliit ang mga Pilipino lalo na ang mga magsasaka sa pagbibinta niya ng mamahaling rice.


Bagkus sinabi niyang hindi lamang rice ang kanyang ibinibinta kundi maging ang future na rin ng mga kumakain at nag-oorder nito.


“Hindi naman po kanin ang ibinebenta ko dito, I’m selling you your future, na baka mapaisip ka, na baka mangarap ka, na baka subukan mo ulit."


"Mahirap kasi sa mga Pilipino, naja-judge tayo agad, bakit ‘yung Thai rice, Japenese rice, ang mamahal ng bili natin, bakit pa tayo kailangan bumili sa ibang bansa, bakit kailangan pa nating mag-import, meron naman tayong Filipino rice, suportahan natin ‘yung mga farmers natin.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo